21 things evilsmileofmine likes Explore more popular stuff on Tumblr →
-
Huwag sana yung "Kaibigan" mo/nyo.
Mapamahal na ang taong mahal natin sa iba. Huwag lang silang mapamahal sa mga kaibigan natin. Parang ang sakit kasi kapag kilala mo yung tao kung saan siya bago napapamahal. Para bang nabastos yung buong pagkatao mo. Tipong all through out ng relationship niyo eh may nakaabang na kaibigan mo. Parang hindi mo alam yung iisipin dahil kahit kailan hindi sumagi sa isip mo na mga kaibigan mo pa ang nakaabang sa kanya. Kumbaga sa counter strike, mga abangis. Or sa tales of the friendzone term na Abangers. Pwede ring sa Marvel. The Abangers!
Madalas ganyan mangyari kapag may itsura o malakas ang appeal ng partner mo eh.
Pero looking on the brighter side. Minsan hindi mo rin sila masisisi. Kumbaga sayo, nagmamahal lang din naman sila. Pero alam mo ung pakiramdam na “what if?” nagaway kayo. Tapos humingi siya ng payo dun sa taong may lihim na may gusto sa kanya. Syempre ang tendency nun siraan ka niya or i push nung taong yun ipaiwan ka. Kaya mahirap kapag sa kaibigan eh. Syempre, kaibigan mo yun eh. Pinagkakatiwalaan mo yun eh.
Tapos sa huli. Yung taong mundo mo? At yung taong sinasandalan mo sa oras ng problema. Sila pa magkakatuluyan? Shit lang no? Tha’ts life eh.
Loading... -
matabangutak reblogged matabangutak
LOVE LETTER
Alala ko pa dati, tinatago mga love letters para hindi makita ng magulang. Ngayon, ang Love letter nasa inbox na lang ng cellphone, o kaya nasa message sa facebook or tumblr ask sa tumblr.
Maraming pinagsusulatan ng Love Letters dati eh, sa 1/4 na papel, sa Intermediate Pad, sa Likod ng Notebook, o kaya naman sa Stationery na scented pa minsan. Dati kapag panget ang sulat, naghahanap ka ng kaibigan mo o kaya ng kaklase mo na maganda mag sulat. Tapos dinidectate mo yung gusto mong sabihin at isusulat na ito ng kaibigan mo.
Alala ko rin dati kung gaano kahirap mag construct ng Love Letter. Hindi mo kasi alam paano uumpisahan. Tska sa murang edad eh talagang kahit ano na lang ang maisulat mo maiparating mo lang na gusto mo siya. Ang love nga naman talaga eh walang pinipiling edad. Mapa puppy love man yan, mapa unconditional love, kapag naramdaman mo yang crush crush o love love na yan eh talagang mapapa isip ka ng mga bagay para ma appreciate ng tao na gusto mo siya.
Naalala ko to nung Highschool at Elementary, talagang effort kung effort mag sulat ng mga Love Letter dahil nga sa wala pa namang cellphone nun at walang murang cellphone noon. Kaya ang pagpapahiwatig ng nararamdaman sa taong “crush mo” or maari nating sabihin na “Puppy Love” eh nakakakilig naman talaga. Tipong hihintayin mo yung susunod na Love Letter na matatanggap mo sa taong pinagbigyan mo.
Minsan nga sa Intermediate o kaya naman sa Scratch Paper, tatawagin ka sa labas ng Classroom tapos naka lukot yung love letter o kaya naman nakatupi na galing pa sa crush mo yun ha? Tapos kapag binasa mo eh kung ano mang nakalagay dun eh talagang napapangiti ka talaga.
Kaya iba kapag maganda ang sulat ng crush mo eh, nakaka inlove lalo. Ang sarap i display sa kwarto kung legal lang mag display sa magulang dahil nga bata pa. Kung pwede lang ipagsigawan dati yun, ang sarap sana i share sa mga tao na may natatanggap kang Love Letter.
Loading... -
PlayHitorijime Theory drama cd 2by Kitakami Ren
Seiyuu cast:
Yasumoto Hiroki x Kamiya Hiroshi
read it here —> (33-39)
Loading...





